Narciso

ImageMaputi. Makinis. Maganda ang katawan. Teka, hindi magandang dilag ang tinutukoy ko ha. Maaaring noon ay ilan ito sa mga salitang makakalarawan sa pangarap ng isang dalaga na makamit sa kanyang sarili, pero sa kasalukuyan, parehong pangarap na din ang nais makamit ng mga tinaguriang ninuno ni Adan.

Kamakailan lamang ay nagkaroon ako ng isang pagkakataong palayawin ang aking sarili ng isang araw. Mahabang bakasyon yaon kaya’t hindi ko na rin siguro pinalampas ang minsang blowout sa aking sarili. Gamit ang iilang complimentary tickets na nakuha ko galing sa aking tiyahin, una kong sinugod ang water spa kung saan nilublob ko ang aking sarili sa iba’t ibang uri ng tubig na animo’y nagmamasahe sa iyong buong katawan, akma lamang matapos ang matagal-tagal na pagod at puyat sa araw-araw. Masarap, relaksing at presko sa pakiramdam.

      Fast-forward na tayo pagkatapos nun. Naisipan kong magtungo sa isang facial center sa kalapit na mall. Dantaon na rin siguro nung huli akong sumailalim sa ganitong serbisyo, noong nag-aaral pa ako tuwing sumasabak sa mga kompetisyon para naman magmukhang kaaya-aya sa harap ng madla. Takot at kaba’y pumipintig pa rin sa aking kalooban katulad ng una kong pagsubok sa ganitong paggamot.  Subali’t laking gulat ko ng dumating na ang aking turno para pumasok. Bumungad sa akin ang porma ng mga pasilidad, halatang tumatalino na talaga ang tao dulot ng mga modernong kasangkapang aking natanaw. Dagdag pa riyan ay sumambulat sa akin ang mga matitipunong tila siya nang sumakop sa mga higaan, iba sa mga napansin kong tinatambayan noon ng mga kababaihan sa aking pagkakaalam.

Sa pag-inog ng oras, napapalitan na ang mga nakaugaliang tradisyon at pamantayang tumatak sa ating mga ninuno henerasyon na ang nakalipas. Kaakibat na nga talaga ng buhay ang pagbabago at sadyang wala na tayong magagawa sa mabilis na pag-unlad nito. Kasabay ng maraming tuklas sa medisina at nauusong lakad o “trend” ngayon, malabo na talagang ibalik ang dating klitse sa mga bagay-bagay. Ang mga hindi nakaugaliang gawin ng mga lalaki noon ay tinatangkilik na rin nila ngayon, at bisebersa. Ang mga bagay na ginawa para sa ganitong kasarian lamang, ngayon ay puwedeng-puwede na ring gamitin ng kabila kaya nga umusbong ang mga unisexual na kagamitan: kahit sino, para kanino, pwede na.

ImageBalidoso. Unti-unting nagkalat marahil ang mga ganitong uri ng kalalakihan sa mundo, maging dito sa Pilipinas. Aaminin ko, kung ihahambing noon ay kahit ako nagiging mapagmatayag na rin sa aking sinusuot, sa aking kinikilos at dating sa ibang tao. Ang hindi ko lang maintindihan ay yaong ibang binubuhos ang lahat na oras at panahon, yaman at pagkakataon upang ganap na baguhin ang mga sarili tungo sa ikapeperpekto nito. Talamak na ang paglago ng iba’t ibang produkto na nakakapagpaganda, at kahit ibase natin sa mga estadistika, ito ay nagiging isa sa mga produktong nagiging patok sa lipunan ngayon. Bagaman nakukuha nga ng karamihan ang pormang nais makamit, dumarating din minsan sa punto ng kawalang-kontento.

Dumarami na ang mga kalalalakihang nakikipagtunggalian sa kutsilyo ng mga doctor, nakikipagbuno sa nagbibigatang mga gulong at kasangkapan, nagpapawis makamit lamang ang pande-pandesal na umbok sa braso’t buong katawan kung kaya ipinanganak ang mga tinatawag na ‘metrosexual’ sa lipunan. Ito ay isang salitang neolohismo galing sa pinag-anib na mga salitang ‘metropolitan’ at ‘heterosexual’ na nagsimula noong 1994 at inilalarawan ang lalaki (lalo na ang mga taga-lungsod o urban areas) na pinagtutuunan ng pansin ang pagpapanatili ng perpektong panlabas na kaanyuan, pera ma’t oras di alintana maipagmalaki lamang ang sariling kagandahan.

ImageKadalasan, ang pagkakabalidosong ito ay hindi rin magandang tingnan. May iilan pa ring mga Ebang nais makasama ang tradisyunal at simpleng lalaking nagsisibak ng kahoy, inilalaan ang upuan sa tren para sa kanila, nagbubukas at nauunang pumasok sa pintuan di bale nang magmukhang tambay sa postura basta’t malinis kapwa ang loob at panlabas na kaanyuan. Naglalaho na parang bula ang mga ganitong klaseng nilalang. Si Maginoo at Magalang ay nasapawan na ni Matipuno’t Makinis na Narciso. Kahit papaano maganda rin naman ito dahil unti-unti nang natutunan ni Adan pahalagahan ang kalusugan ng katawan, nakakaramdam lang tayo marahil ng kaunting galimgim sa kung anuman ang tumatak na tradisyon noon pa man.

Walang sinuman ang inihaing perpekto sa mundo. Klisey man kung maituturing subali’t nakakatama pa rin. Naniniwala pa rin ako na ang tanging bagay lamang na palagian sa mundo ay ang pagbabago. Bagkus, sa mga taong habol ng habol sa kung ano man ang nauuso sa kasalukuyan (sa teknolohiya, pananamit, kinahihiligan), hindi ba kayo napapagod? Walang masamang tangkilikin anuman ang patok, pero kung kapalit naman nito’y walang katapusang paghahabol, piliin na lang sanang panatilihin ang nakaugaliang katayuan o status quo ika nga.

ImageGayunpaman, bawa’t isa sa atin ay may kanya-kanyang desisyon. Lahat ay may karapatang gawin anuman ang nais. Subali’t sa kamulatang ito na aking napansin, nagpapasalamat ako na mas naintindihan ko ang kahalagahan ng malayang kalooban o free will. Lahat ay may kakayahang pumili. Lahat ay may katauhang maaaring itirik. Pero anuman ang napiling tahaking landas, nawa’y panatilihin pa rin ang sariling dalisay na siyang di mapaparam anuman ang gawing retoke o operasyon.

Hindi matitibag ng kung aumang kutsilyo ng doctor at teknolohiya ang likas na katangian ng isang tao. Dito bumubuslo ang tunay na kagandahan.

‘Wag nang ma-balidoso o mahumaling tulad ni Narciso. Mamuhay ka lang ng simple at kung ano ka  ayon sa iyong pagkakakilala, at kasama ang busilak ng iyong puso, tiyak hihiyang ang tunay mong dilag.

Advertisements

8 thoughts on “Narciso”

  1. hello, Kevin… ahaha, magandang tingnan yaong mga may magagandang dibdib at may pande-pansal, hihi. ‘yon lang, sana ay meron silang hindi lang physical attributes or looks. mas mainam kung may maganda ring pag-uugali at character at di lamang banidoso sa katawan at itsura, kumbaga… regards. 😉

      1. ah, eh kasi, sobrang nagpo-ploriferate nga naman ang metrosexuals, as in. baka ‘yon, siguro… oo, karaming vain na kalalakihan, mas matagal pa sa CR kesa sa mga babae, hehe.
        walang anuman, salamat din sa dalaw at pagbabasa. cheers 😉

      2. ah, eh kasi, sobrang nagpo-proliferate nga naman ang metrosexuals, as in. baka ‘yon, siguro… oo, karaming vain na kalalakihan, mas matagal pa sa CR kesa sa mga babae, hehe.
        walang anuman, salamat din sa dalaw at pagbabasa. cheers 😉

  2. Thanks for sharing this new blog. Tama ka sa panahon ngayon Wala na si Magalang at Maginoo. hai kgbi nga lang my dalawang matandang mag-asawa na ndi na nka upo dhil punuan na ang bus pero wla gnwa mga tao kundi mging manhid at dedma lng s nkita nila. araw-araw paubos ng paubos na ang ang Maginoo at magagalang sa mundo. aanhin mo ang mga mgndang pgmsdan kung ang ugali at pagkatao ay ndi na maayos. hai:(

KEVinspire me:

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s