Ironed Woman: a La Bonita

Bago pumasok, kahit nuon pa man, naging ugali ko na talagang titigan muna ang tubig sa dram o tabo bago ito ibuhos sa nilalamig kong katawan. Ay hindi ‘yun ang nais kong talakayin ngayon. Gusto kong sabihing nasanay talaga akong pagsilbihan ng kung sino-sino nang yayabels na dumaan samin kung kaya’t nung nakarating na ng kolehiyo eh napilitang magplantsa si Toto ng kanyang mga damit. At di lang yun, tuwing bago aalis ko pa ginagawa ang pagpapatuwid sa mga nagkalukot-lukot na tinupi kong uniporme’t pantalon. Oo tamad na kung tamad, inaamin ko.

Pero teka, naranasan niyo na bang mapaso? Marahil dahil sa kapabayaan o sa kakapilit mong dumilat ang iyong mga mata kasi nga tinatamad ka pa? Iilang Esprit at Hollister na ba ang napagtagumpayan mong abuhin? Eh yung ikaw ang pinaso, try naten?

Loko, ibang usapan na ata iyan!

Sa totoo lang ginagalang ko sila. Musmos pa lamang ay sila na ang aking naging kalaro, kakuntyaba sa kung anu-anong pinapalusot ko kina ermats kapag may nagawang di kanais-nais o pumuslit ng bahay para pumunta sa plaza. Pasalamat ako’t ni butil ng pawis ay di natuyo sa aking likuran, malalaking galos sa tuhod ay di ko kinailangang ininda, ulan ma’y di nakaligtas dahil sandata nilang payong ay laging handang isangga. Sus, bagsak na ako siguro kung di dahil sa kanilang pagtulong at paghahatid ng aking mga pradyek sa eskwelahan tuwing si Toto’y lipong dahil sa kinagabihang pagsasalamangka sa mga chapter-chapter na aralin sa aklat. Sa maniwala ka man o hindi, marahil ay hindi ako magiging sin-antipatiko, magalang, mapagsumikap at kyut na nilalang ngayon kung hindi dahil sa kanilang walang-sawang pagpapangaral sa akin nung nakaraan (op! wala ng side comments).

Hindi man sila propesyonal kagaya ng mga nasa tuktok ng trianggulo, subali’t mas propesyunal pa sila kung humubog at mag-alaga ng isang kapwang di nila kaano-ano. Isang patunay na mahalagang tulong sila sa ikagagaan at ikabubuti ng pamumuhay.

Bunsod ng naglilipanang Juan Tamad ngayon sa daigdig (sige na nga, exempted ka na dun), at dahil sa nasasadlak na kalagayan ng bansa sa kasalukuyan, talamak na ang napipilitang pumasok sa ganitong propesyon, ang pagiging kasambahay sa pami-pamilyang Pinoy na umaasang maiaaahon nila ang kanilang mga minamahal sa kumunoy ng kawalang-pag-asa.

Image
Bonita Baran, after being allegedly maltreated and ironed on face by her employers
(Credits to http://www.abs-cbnnews.com for the photo.)

Bonita. Maganda, maanyag, marilag, gwapa- hindi ba’t ito ang mga unang mawari natin sa tuwing maririnig ang salitang ito? Hango nga kasi naman ito sa salitang Espanyol na ibig sabihin ay kariktan. Pero hinde, kapag siya’y iyong makikilala ay masasalamin mo ang kalunos-lunos na karanasan, animo’y sinagasaan ng kung anuman ang balat, walang makita, bulag, desproporsyon ang mukha. Akala ko nga sa pelikula ko lang nakikita si Iron Man eh, sa totoong buhay pala’y may “Ironed Woman” din.

Kagabi lamang ay napanuod ko ang Patrol ng Pilipino, isang dokumentaryo ni ABS-CBN reporter Jenny Reyes na tumalakay sa kahalaya’t di makataong pagtrato ng isang pamilyang Marzan sa Bonitang ito. Kaya naman saludo ako sa kung anuman ang naisipang ikasa na batas ng kongreso na tinaguriang Kasambahay Bill or House Bill 6144. Layon nitong protektahan at bigyan ng kaukulang karapatan ang mga napapanahong bayaning ito para tratuhin silang katulad ng isang ordinaryong empleyado.

Tama nga naman. Kung hayop nga ay may tuntuning nagproprotekta sa kanilang kaayusan, pagkakaitan pa ba naman itong mga katuwang natin sa bahay?

Madalas may ilang sumusunod pa rin sa bulong ng demonyo bagkus nagagawa nilang maltratuhin ang kanilang kapwa tao. Minsan, ang sobrang pag-aaruga ay napapalitan ng pag-aabusong hindi na makatarungan. Palagi, hindi tayo nakakaiwas sa mga ganitong temptasyon kaya’t nagmumukha tayong ignorante sa kung ano na ang tama sa kamalian.

Hindi sila alipin na basta basta mo na lang kuruting animo’y surot. Hindi sila busabos na pupuwede mong plantsahin ang kanilang mukha at ipagawa kung anuman ang iyong nais. Hindi sila punching bag na kahit anong oras ay masusuntok mo kapag ika’y nag-aapoy sa galit. Hindi sila tanga na puwede mong batukan. At lalong mas hindi sila mga askal na pakainin mo lamang ng mga tira tirang botcha o mas masaklap pa’y ipis na kasing dumi ng budhi nitong walang-awang panginoon.

Silang nagdidildil ng asin para lamang mabuhay ay maaari nang  maghain ng espesyal na kainan sa lamesa dahil sa minimum wage na ipapataw sa kanila kapag maaprubahan ang batas na ‘to. May bago na silang pag-asang masasandalan magkasakit man o mawawalan ng tirahan dahil ang mga benepisyong SSS, Philhealth, Employees Compensation Commission at Pag-Ibig Fund ay kanila nang matatanggap.

Kaya sa mga ipis ng lipunang siyang nagpepeste sa ating mga kababayan, maghunos dili na kayo’t ang inyong mga galaw ay limitado na. Iwaksi na ang kahayupan at nawa’y plantsahin niyo na ang bawat gusot, ang bawat lukot sa inyong pagkatao. Tutunan niyong maging alipin hindi ni Satanas kundi ng kung anuman ang tamang bulong ng itaas.

Sa yaong mga may kapangyarihan, nawa’y ipasa na ang tuntuning ito.

Iilang Bonita pa ba ang aantayin niyong ipapanganak taliwas sa tunay na kahulugan ng nasabing pangalan? Iilan pa ang gusto niyong magdusa? Iilang Bonita pa ang hinihintay niyong maging ‘Ironed Woman’, ipisin at bulagin sa kadiliman?

Advertisements

4 thoughts on “Ironed Woman: a La Bonita”

  1. onga. napahaba ko ang reply ko dito kaya napagpasiyahan kong ipost nalang sa blog ko. Tnx kevs sa gawa mong ito. ang kabuuan ng comment ko ay nasa blog ko dmarkcabz.wordpress.com. “Hoy Tao” ang pamagat.

  2. nakakaawa talaga si bonita. nakakainis nga yung employer nung sinalang na sa korte, may pa iyak-iyak effect pa sarap batuhin ng kamatis.

    di ko pa rin maimagine pano pinlantsa sa mukha, nakakatakot yun…

  3. Kaya nga jason eh. Kahit anong galit pa maramdaman mo at kung may konsensya ka, di mo magagawa yun. Di lang mata ni bonita ang binulag nila kundi pati mga pangarap nito.

KEVinspire me:

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s