O Biyaheng Kaysarap!

 
Iniluwal si Toto sa isang bayang lutak o putik ang pinanggalingan,
simpleng pook malayo sa kabihasnan.
Tila nabuhay sa mundo ng alamat,
Hinulma sa mga makasaysayang simbahan
subali’t nakasanayang sumalo ng binabatong
paratang na sila’y kampon daw ng mga aswang.

Tama nga nama’t laman aming kinakain,
Lamang-loob, lamang-dagat pati lamang-gulay
ay laging pinagsasaluhan matapos ihain,
sapagka’t likas-yaman doon ay sagana’t labis
kahit sa bakuran ay pupuwede mong pitasin
anumang prutas o dahong iyong nais.

Bukang–liwayaway noon nung ako’y binalot pa
ng ibos o suman ng pagmamahal ng aking pamilya
Gaya ng tinda nuon ni Aling Maria pagbangon ko sa umaga.
Takot sa mundo, mahiyain at di umiimik
sapagka’t kina nanay at tatay ay laging nakadikit.
Kagat-kagat lagi ang bukayo, kalamay, bandi, baye-baye at latik
pawang mga kakaning sintamis
ng pagkabata kong walang halong pait.

Nung unti-unting pinukaw ang aking kamalayan
Natutuhan kong makihalubilo‘t mag-isang mamalengke sa tindahan
Pahó o hilaw na mangga’y aking kadalasang natikman
Kasabay ang mga kalarong naging karamay at minsan ding naging kalaban.

Ah, ito pala ang mundo. Malayo sa kinamulatan ko.
Malayo sa pagkapiit sa balay at paghihigpit ng pamilya ko.

Pagsapit ng tanghali sa aking paglalakbay
Kahit sikat ni haring araw ay ‘di nagpatinag
Kaming magbabarkada’y nagpakalunod ng sabay
sa mainit na sabaw o kaldo ni Karen at Mang Ted
saka sisigaw ng “Kampai!”
Maming nagbibigkis sa aming samahan
Miswang sinahugan ng malalasang sahog at laman
Ka-partner ang walang kamatayang putong
bumubusog sa aming kalamnan.
Dito lang sa aming bayan matitikman
Yaring batchoy na sintamis-anghang ng buhay mag-aaral.
Minsan iindahin mo gaano man katindi ang paso ng pigapit
Makapasa lang para masabi mong
ang buhay ay wari batchoy, namit!

Dapit-hapon na’t lumipat ako sa siyudad,
bigla ko na lang namiss ang kakanin, ang mangga, ang lahat
Bumalik ulit si Toto na seryoso’t di na magawang kumindat.
Kasabay ng bagong mundong ginagalawan,
ay mga bagong putahe na naman ang natikman.

Minulat sa malawak na mundo ng kabihasnan,
sinuyod ko ang landas patungo sa ‘king pangarap.
Balutin man ng maruming usok, nilanghap
Kahit mgkagalos man sa byahe, lumagapak.
Napagtanto kong ganyan kahirap sa kalungsuran,
Biko’t suman wala nang nilalako
kundi mga pagsubok na lamang
sintigas pa ng pinasugbo’t biscocho.
Matigas na marupok, matamis na maganit.
Pinagdaanan ko’y halu-halong saya, hirap at pait,
Hanggang sa maihurno ang pinakaaasam:
mga gintong galletas na sa leeg ko’y isinabit.

Malugod. Masaya. Abot-langit ang tuwa.
At sakripisyo kong mawalay sa bayang mahal ay
sa wakas tila naging gantimpalang piaya.
Ngayong gabi na’t nasa himpapawid na ako
ng totoong pakikipagsapalaran sa buhay,
hinding-hindi mawawala sa puso ko
ang bakas ng mga mumunting pangarap
na aking ibinuno kaakibat ang mga kakaning
ninamnam ko mula sa aking paglalakbay.
Mga lasang sumabay sa agos ng aking paglalayag
Mga sabor na nagpatingkad sa aking pamumuhay.

Ano’t anuman ang mangyayari,
ang puso ko’y mananatili pa ring
nakahugpong sa lupa kong sinilangan.
Laging babalikan, tatanawin at titikman
ang mga lasap na sa Iloilo ko lang mahahanap.
Lutong Ilonggo. Lasang Pilipino.
O biyahe ngang kaysarap!

Ang tulang ito ay lahok sa:

sa pakikipagtulungan ng

Maraming salamat din sa mga sumusunod:

*Ang mga larawang nakapaskil ay hindi inaangkin ng may-akda.

Papuri sa sinumang nagmamay-ari nito!

Maraming Salamat!

Advertisements

12 thoughts on “O Biyaheng Kaysarap!”

    1. Parte lang talaga ng buhay ko ang mga pagkaing ito kaya isinali ko na. Salamat naman at natuwa ka sa tula kong ito diwangtanglaw.

  1. Hey Kevin! Kudos sa gawang orihinal na ito. Binasa ko na naman ito kasi malapit na naman ang Dinagyang Festival sa ating mahal na lungsod. Kung iyong marapatin nais kong idagdag ang isa pang putahe sa Iloilo. Ito ay ang ‘Tinuom na Manok’. Pasyal ka sa amin para matikman mo. Matatas na ba akong managalog ha? Ay, ambot kadalum na sini siguro. Tani kita magkit-anay sa sini nga DInagyang Kev. 🙂

    1. Salamat ka! Hindi binabase sa kalaliman ng iyong pagtatagalog ang pagiging magaling. Hanggat ikaw ay may puso para iparinig ang iyong boses at ipakita sa lahat ang kaya mo, mabuhay ka Pilipino! Hehe. Di ko siguro kapuli 😦 Have a birthday to host here.

KEVinspire me:

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s