At huhuni na ang batingaw ng kapilya.
Dadagsa ang mga sepulturero, aagos ang alon ng mga tao, bibisita sa mga minamahal na yumao.
Kandila’y sisindihan.
Mabubuhay ang patay, mamamatay ang buhay,
sapagka’t mga alaalang binaon ay muling uungkatin at haharayain.
Masasaya man o masasakit. Magaganda man o mapapait.
Titigil ang pag-inog ng mundo nang saglit.
At magbibigay ng lakas, ng tapang at tulin upang ipagpatuloy ang panahong nalalabi.
Mapayapang paggunita ng araw ng undas sa inyong lahat!
Advertisements