Pagpapahalagang Sintamis ng Candy Crush

image

Game requests ba kamo? Yung tipong akala mo andaming nakaalala sa’yo tapos nung kinlick mo na ang notifications icon eh binaha ka lang pala ng invites sa iba’t ibang laro.

BADTRIP. For more than weeks of being a couch potato, siyempre sabik ka na buksan ang mukhang- librong social networking site mo. Partida pa kapag hindi ka pala-kaibigan sa totoong buhay, laking galak ang hatid nun sa’yo kapag makakabasa ka ng mga pagkakamusta sa ilang mga FB friends. Feeling mo naman napakahalaga ka sa kanila. Pero minsan hanggang feeling lang din pala.

Ika nga ng marami, ang buhay ay parang isang laro. Minsan ika’y natataya, may parehong pagkakataong mananalo ka o matatalo, kadalasan nama’y di rin maiiwasan ang mga panahong lalansihin ka hanggang sa mawalan ka ng pag-asang magpatuloy at kitilin na lang ang buhay mo sa huli.

Kasalukuyang nagiging abala ngayon ang buhay ko sa maraming bagay kaya’t bihira na lang akong nakakanakaw ng oras upang maupo ng buong araw kasabay ang pagpindot sa aking cellphone at maglaro.

Madali kasi akong mabagot. Nauso ang mga apps ngayong henerasyon kung kaya para hindi ka mahuhuli sa kung anuman ang patok eh makiki-join ka na rin. Ibuhos ang oras para sa wantusawang panagangalikot ng keyboard o touchscreen? Hindi ko hilig iyon, mas nanaisin ko pang ilaan ang oras sa kama yakap-yakap ang paborito kong hotdog pillow.

image

Ayun nga, dumating ang nauusong mga laro. Ilang buwan pa lamang eh pumatok si Candy Crush. Walang pinalalampas, paslit ka mang wala pang ka-muwang-muwang sa mundo, matandang uugod-ugod na o artistang konyo sa bigscreen, lahat tila nahibang sa simpleng larong ito. Adik nga eh, nung minsang sumakay ako ng bus o mrt basta kahit saan ito ang naging karamay ng marami sa mahaba-habang pagbabaybay (o minsan a stone’s throw away lang pala ang bababaan).

Kapag may usong laro, tendency tinatry ko kaagad. Hanggang sa malulustay ko na ang oras ko dito. Maliban sa nakakaaliw itong laruin, kapag nasubukan mo e parang gagayumahin ka nitong ituloy-tuloy hanggang sa huli. Nguni’t maliban sa sayang hatid nito ay may ilan din akong mga bagay na natutunan sa Candy Crush. Simpleng mechanics lamang ang kelangan nito pero it seems that Candy Crush hit our worlds by storm. Bakit? May ilang mga aral lang naman itong itinuturo sa atin higit pa sa kalibangang handog nito:

1. Ang buhay ay halu-halong timpla ng pag-asa at pagkabigo.
Sa kahit anumang laro nariyan talaga ang oras na ika’y matatalo. Minsan di natin alintanang yaong mga bagay na sa unang tingin saya ang hatid ay siya rin palang magbibigay sa atin ng biglaang lugmok at lumbay. Magaan sa pakiramdam kapag una mong makita ang makukulay na kendi na para bang good vibes at “hooray for today” ang dating, pero pag maglao’y ang bawat kulay na nagbabanat ng iyong labi para ngumiti ay siya ring mag-uudyok sayo upang ngumuso kapag ika’y nagagapi. Pero huwag tayong mawalan ng pag-asa, iilang tsokolate man at jellies ang papalibot sa atin, nariyan lagi ang buslo ng liwanag na siyang magpapaalalang “kaya natin iyan”.

2. “Life is not always fair” ika nga
.
Sanay naman tayo sa pasuwerte-swerte sa lahat ng bagay. Tulad ng sa Candy Crush, di natin hawak ang mga lalabas na piyesa. Madalas ang galaw natin ay limitado kelangan ng kaukulang tantya upang sumakto sa inaasam na pag-alpas sa isang lebel. Anuman ang board na ilalatag sa harapan natin, marunong dapat tayong makipagsapalaran sa mga panahong walang mintis na darating. Balaksila ma’y matapang nating daigin, suungin lahat na unos at harapin anumang pagsubok dahil nabubuhay tayo sa daigdig na animo’y mapanlinlang na bolang kristal: minsan sapul, pero madalas plangak!, hindi nahuhulaan, petiks lang. May mga bagay lang kasing hindi patas kahit bali-baliktarin man ang mundo ganunpaman, Go lang nang Go pa rin dapat ang mantra for life.

3. Minsan, may pagkakataon talagang hindi mo na naiintindihan ang mga pangyayari
.
Ang gulo noh? Pero ganito naman lagi eh, yung bigla na lang may susulpot na icing o prutas o bagong kendi tapos hindi mo alam kung para saan gagamitin. Walang katiyakan ang buhay. Alinsunod sa mga pagbabagong nararansan natin sa kasalukuyan gaya ng pabugsu-bugsong ulan sa tag-init o masakit na hampas ng init-araw sa tag-ulan, yung mga di inaasahang pagngangalit ng mga bulkan at pagkapanalo ng isang anino sa senado, marami rin ang mga pangyayaring basta-basta na lang lilitaw at siyang hahamon ng ating diskarte at katatagan. Sa lahat ng iyong mga pagpupunyagi, nararapat lamang na may pokus ka at direksiyon gaano man ang linggatong sa kapaligiran.

4. Pagbibigayan ang susi ng magandang samahan. Sabi nga eh “Give and take
.”
Sino ang takbuhan mo kapag ika’y nagigipit? Sino ang kasangga mo tuwing ang buhay ay kaypait? Hindi ba’t sila ang matatalik mong kaibigan? Wala kang ibang mapagsasabihan ng iyong problema maliban sa yaong andiyan handang tumulong sayo simula’t sapul. Subali’t sa mga oras na ika’y walang-wala, minsan dito mo malalaman kung sino talaga ang handang sumaklolo sa mumunti mong suliranin. Hindi sa lahat ng oras ang nakaugalian mong kasa-kasama ay nandiyan lagi sa tabi mo. Hindi man inaasahan, magugulat ka kung sino ang tunay na nagmamalasakit sa’yo. Kung ika’y nagbibigay, tiyak ikaw rin ay bibiyayaan. Literal man kasi o hindi, ang pagbibigay ng buhay ay nakakadagdag ng tiwala at pagpapahalaga sa mga taong maaalahanin. Buhay na hindi lamang tutulong sayong malampasan ang mga lebel sa Candy Crush ngunit higit pa ro’n ay yaong sarili ang iaalay, sa oras man ng pighati o kaluguran, bitbit ang pangakong walang hanggang samahan.

5. Walang mahirap na gawa ‘pag dinaan sa tiyaga
.
Kahit saan naman iisa lamang ang susi sa pagtatagumpay: PAGTITIYAGA. Anumang pangarap ay sadyang maglalaho kung walang kaukulang pagsisipag. Walang mangyayari kung hindi ka marunong mamaluktot kapag maiksi ang kumot. Kumbaga, tiis-tiis din pag may time. Malalampasan mo rin lahat na mga balakid sa iyong paglalakbay kapag pursigido kang makamit ang iyong mga mithiin. Walang “it’s too late” sa ganitong pagkakataon, may oras na nakalaan sa lahat na bagay at ang dapat lamang gawin ay ang maghintay kung kailan iyon itinakda para sa’yo. Sa huli kapag alam mong patakbuhin ang iyong landasin kaakibat ang mga mahahalagang sangkap na ito, mag-antay ka at maririnig mo rin ang matatamis na sambiting: Sweet! Tasty! Sugar Crush! Divine!

Ang sarap pakinggan noh? Yung akala mong kabadtripan lang eh kinapupulutan rin pala ng mga pagpapahalagang pwede nating maging sandigan sa pakikipagbuno sa mga laro ng buhay. Simpleng larong sumasalamin ng kumukulong pag-aasam na magtagumpay. Karaniwang larong hatid ay pakiramdam ng sariling kaganapan at kadakilaan.

“Hey, you’re falling behind! I passed you….” – Op! Huwag mong intindihin ang mga ganitong pagmamataas. Sa halip, mas lalo kang magsumikap, magtiyaga. Ito ang tunay na boosters. Ituloy mo ang laban. Manigasig kang balang araw lahat ay iyo ring malalampasan..

Yun oh!

Advertisements

21 thoughts on “Pagpapahalagang Sintamis ng Candy Crush”

  1. Tunay nga ang lahat ng sinabi mo. Akalain mo ang mga larong trending sa panahon ngayon eh pinakikita kung sino tlga ang mga kaibigan mong maasahan at ma iba po tyo sir kev 🙂 kht d ka nga nila kilala mag papa add sayo at requesan ka ng mga notification na games sa FB oh dba bonggang-bongga n tlga ang panahon ngyon.. ibang iba na sa nakalipas na panahon. 😦

  2. natuto akong maging matiyaga dahil sa candy crush. tandang-tanda ko kasi, isang level na buong holy week ko nilaro. haha!

    hanggang ngayon naglalaro pa din ako nyan, pati kapatid ko, si mommy, at si daddy.

    whatda. haha

    1. Nakoo. Adik ka pala diyan? Di halata. Pero titiyaga ka nga talaga sa larong yan.

      Wala kang problema na pala sa life kse buong family happy sa candy crush. hehe.

      Salamat sa dalaw! Kitakits ulet soon.

  3. hehehe…asar nga yang larong yan…wala na kong ibang magawa kundi maglaro kapag nasimulan ko na…pero ngayon…hindi na muna ako maglalaro dahil hindi ako makalampas sa level 70 at naiinis ako…kaya ayoko na mag candy crush hihihii……

    1. Oh why naman? Sometimes it comes to some point na it’s unfair in most things pero life still is overweighed by those moments where we feel victorious and happy. Cheer up bespren!

  4. Nice reading about you

    Thanks for visiting my blog. Be in touch. Browse through the category sections, I feel you may find something of your interest.

KEVinspire me:

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s